Taos-pusong Alaga

Ramdam ka at ang mga pangangailangan mo!

Mula 1954 hanggang ngayon, naglilingkod ang VILLARICA sa pamilyang Pilipino.

Our Story

Nagsimula ang VILLARICA sa Quiapo, Maynila noong 1954 nang binuksan ito ni Gng. Paz R. Villarica, isang alahera mula Bulacan. Bilang isang sanglaan, unti-unting nakilala ang VILLARICA sa mga pamilyang Pilipino dahil sa mahusay nitong serbisyo. Kaya naman sa tulong ng anak niyang si Atty. Henry R. Villarica, nagtuloy-tuloy ang pamamayagpag nito nang pitong dekada. Lumago ang VILLARICA, at dumami rin ang serbisyo at branches nito mula Luzon hanggang Mindanao. Maaasahan kami di lang sa sanglaan, pati na rin sa international bank transfers, foreign exchange, bills payment, at iba pa.

Our Mission

Layon ng VILLARICA na anihin ang tiwala ng pamilyang Pilipino, at sa pamamagitan ng mataas na appraisal at mababang interes, umagapay sa kanilang iba’t ibang pangangailangang pinansyal tungo sa mas maginhawang kalidad ng buhay.

Our Vision

Hangad ng VILLARICA na maging takbuhang sanglaan ng pamilyang Pilipino saanman sa bansa, mapalago ang iba’t ibang serbisyong pinansyal tulad ng remittance, money changer, at bills payment, at makapag-ambag sa pagtataguyod ng mas maunlad at masaganang Pilipinas.

Core Values

Service

Mula security ng serbisyo hanggang sa katapatan ng aming staff, sinisiguro naming mapagkakatiwalaan niyo kami anuman ang transaksyon.

Excellence

Mataas mag-appraise, mababa ang interes, mabilis ang transaksyon, at may ngiti ang paglilingkod.

Trust

Katuwang niyo ang VILLARICA mula sa pagsagot sa pangangailangan ng pamilya, hanggang sa pag-abot ng inyong mga pangarap.

AUG 2024
MAY 2024
DEC 2023
OCT 2023
SEPT 2023
2023
2022
2022
2021
2021
2019
2019
2015
2014
2012
2008
2007
2007
2003
1999
1997
1995
1981
1981
1954

Hanapin ang pinakamalapit na branch